Ang pera ng bayan
ay para sa bayan
Hindi para sa taong
ginagawa para sa kamalian
Kaya gamitin natin ito
sa tamang paraan
Para ito ay ating
makinabangan.
Noong Hunyo 2013
naibunyag ang isang scam
Ito ay tinatawag na Pork
Barell Scam
Tumutukoy ito sa pera
mula sa taong bayan
Para magamit ng isang
mambabatas proyekto nitong local.
Mabuti na sana sa simula
Ngunit naging
mapait ang tadhana
Yung ibang mga mambabatas
na iyon
Ninanakaw na nila ang
pera ngayon.
Kaya’t tayong mga
kabataan,
Kailangan nating
manaliksik at makialam
Dahil ito ay malaking
banta
Sa ating kinabukasan.
Kaya magka isa
tayong lahat
Para sa Hustisya at
katarungan
Upang malabanan ang
korupsyong nagaganap
Dito sa ating lupang sinilangan.